patay na si wise level 4 :
Naalala ko tuloy yung experience ko hahahaha. So like, this happened during our camp sa school. Maraming sumali sa camp kasi masaya talaga yung camp na yon. Noong mga umaga pa, mag kakasama kami ng kaibigan ko kasi mag kakagroup kami, tas yung isa rin na crush na crush ko huhu, alam yon ng mga kaibigan ko kaya kapag may mga kailangan na partner activities, kami agad dalwa yung gusto nila na mag ka partner. At first, I found it weird kasi alam naman nilang crush ko yon at natatanga ako kapag nakakasama ko siya, but then tuwing nakikita ko yung reaction niya kapag gusto nila kami ipag partner, natatawa na lang siya at umiiling, so nakampante naman na ako kaya hinayaan ko na lang. kinagabihan, may pa bonfire yung school namin so lahat ng students kaya nag tipon tipon kami sa labas para panoorin yon. napalayo ako sa friends ko so hindi ko na sila kasama that time, pero nagulat ako dahil biglang may tumabi sakin tas hinawakan yung waist ko. Akala ko kung sino na tapos pag ka lingon ko, si crush pala. Then after the bonfire, kailangan na namin matulog since maaga pa raw kami gigising bukas for our other activities. Dahil nga sa sobrang student na sumali, may mga taong pinili nalang mag dala ng tent, pero iilan lang din. So nung patulog na sana ako, biglang may kumatok, pag bukas ko sabi niya kung pwede ba raw mag tabi nalang kami kasi hindi niya raw kilala o ka close yung mga kasama niya sa room matulog, since medyo close na nga kami, hinayaan ko nalang at natulog na rin ako. Pag gising ko kinaumagahan, nadatnan ko sarili ko na yakap yakap niya ako tas naka dantay pa mga paa niya saking mga binti (ANG LAKI NG BICEPS NYA HEHEHE). Pag gising niya, bigla niya ako kinausap at umamin sakin na gusto niya raw ako, matagal na. So napaaamin rin ako nang wala sa oras. Niligawan nya ako for 2 months, then sinagot ko rin hahahah. Ngayon, mag 2 years na kami ni HONG JOSHUA 🥹🫶 I LOVE HIM SO MUCH
2025-07-14 14:03:20