@abantenews: ROCKET DEBRIS NATAGPUAN SA PALAWAN Narekober ang pinaniniwalaang bahagi ng rocket debris malapit sa Barangay Funda Bisucay Island, Cuyo, Palawan. Batay sa preliminary assessment, ang naturang debris ay posibleng konektado sa Long March rocket na inilunsad ng China noong Setyembre 16, 2025. Ayon kay PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela, ibinahagi sa kanyang post sa X (dating Twitter) na dinala na ang debris sa Coast Guard District Palawan. Mula roon ay ipapadala ito sa Philippine Space Agency para sa mas detalyadong pagsusuri, beripikasyon, at pagtukoy sa pinagmulan at komposisyon nito. VIDEO COURTESY: PCG #AbanteNews #fyp #pcg #WatchThis