@calabarzon.today: Gov. Abeng Remulla, Sinuspende ang Klase sa Buong Cavite para sa ILI Surveillance at Earthquake Prep Ipinag-utos ni Governor Abeng Remulla ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong lalawigan ng Cavite mula Oktubre 15 hanggang 18, 2025. Layunin ng hakbang na ito na bigyang-daan ang Influenza-Like Illness (ILI) surveillance at ang paghahanda para sa “The Big One,” o ang posibleng malakas na lindol na maaaring maranasan sa hinaharap. Sa panahon ng suspensyon, ipatutupad ng mga paaralan ang Alternative Delivery Mode (ADM) gaya ng online classes at modular learning upang matiyak na magpapatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Ayon kay Gov. Remulla, ito ay isang proactive na hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Caviteño sa gitna ng mga hakbang para sa kalusugan at kahandaan sa sakuna. #calabarzontoday #walangpasok #thebigone #cavite #govabengremulla

CALABARZON TODAY
CALABARZON TODAY
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 14 October 2025 13:53:33 GMT
984
8
1
2

Music

Download

Comments

heiatek
ᜇᜒᜌ᜔ᜇᜓᜋ᜔ᜂᜊᜒᜇᜒᜃᜒ :
when kaya sa Batangas gov ehem
2025-10-14 14:03:23
0
To see more videos from user @calabarzon.today, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About