@fordacakes: ⚠️ BABALA: SENSITIBONG BALITA ⚠️ BREAKING NEWS: BRGY. KAPITAN SA DIGOS CITY, DAVAO DEL SUR, BINARIL; KUHA SA FB LIVE! Binaril ang barangay captain ng Brgy. Tres de Mayo sa Digos City, Davao del Sur na si Brgy. Capt. Oscar "Dodong" Bucol Jr. sa kanyang bahay habang nag-live ito sa kanyang Facebook ngayong Martes ng gabi, Nobyembre 25, 2025. Base sa video ng kanyang FB live, nagtamo ng mga malubhang sugat sa katawan ang biktima dahil sa pamamaril. Umabot rin sa 8 putok ng baril ang narinig sa video. Humingi pa ang biktima ng tulong bago pa ito bumagsak sa sahig. Inaalam pa sa ngayon ang kalagayan ng biktima. Nasa lugar na rin ang kapulisan upang imbestigahan ang insidente. Abangan ang iba pang mga detalye. #PoliceAlert #ShootingIncident #DigosCity #davaodelsur