@isanglumponamakata: ANG PAGLIKHA , O Ronie Quinto Malabonga ng Polillo Walang gulat, Sa pagbigkas nitong tula akong itoy walang sindak, O Akong lumpo na makata Taos pusong bumabati, Sa lahat ng pinoy pinay na may dugong kayumanggi, Sa bayang Polillo Quezon na bayan Kong tinatangi, Gandang araw at biyaya ang sa inyoy mamalagi, O Tulang itoy alaala sa Dios Ama na Lumikha, Gayon din kay JesuCristo Panginoong dinakila, Sa Espiritung banal sa tubig suma ibabaw nga, Tulang itoy aking handog ang pamagat Ang PAGLIKHA, ANG PAGLIKHA I Pasimula noong una langit Lupa ay nilikha , Nitong Dios na malikhain na may power at unawa , Unang araw ang liwanag pinairal itinakda , At araw ang itinawag sa liwanag na nagawa , II Ito namang kadiliman tinawag na siyang gabi , Unang araw na nagawa ay nakita na mabuti , Ikalawa namang araw kalawakan ang hinabi , Kalawakan ay tinawag niyang langit at nangyari , III Sa ikatlo namang araw itong tubig ay pinisan , Tinawag niyang mga dagat ang natipong katubigan , Ito namang katuyuan ay Lupa ang pinangalan , Sa Lupa ay pinasibol mga damo na kay inam , IV Pinasibol ang lahat ng punong kahoy na kaylangan , Ang pananim na may binhi isinamang tutohanan , At ng itoy magsitubo ang nakitang kayarian , Ay mabuti ang nagawa sa ilalim nitong araw , V Ika apat namang araw araw buwan ang ginawa , Kasama mga betuin na may ningning na sagana , Araw buwan nagliwanag upang Ito ay magtakda , Nang panahon mga taon at araw na itinakda , VI Ika lima namang araw nilikha ang mga ibon , Gayon din ang mayrong buhay sa tubig ay pinasibol , Malalaking mga hayop mga isda ay tinipon , Sa dagat at mga tubig inilagay sila roon , VII Ika anim namang araw ang lupa ay binukalan , Nang maraming mga hayop ibat iba ang pangalan , Nilalang din itong tao na lupa ang pinagmulan , Binasbasan pinarami na higit ang katangian , VIII Pagkatapos na magawa ang lahat sa sanglibutan , Lahat niyang mga gawa ay nakita na mainam , Ikapito namang araw pinangilin binasbasan , Pagkat ditoy nagpahinga ang Dios nating mapagmahal , IX Itoy siyang kasaysayan kaganapan sating mundo , Noong araw na gawain bawat bagay pati tao , Bawat bagay na ginawa may minsahi na tutoo , Ang Dios natin ay pagibig hinding hindi nagbabago , X Ano pabang dapat gawin upang ating maramdaman , Itong wagas na pagibig ng Dios Amang nagmamahal , Kaya dapat wag sirain bagkos ating pagingatan , Itong dagat mga ilog kabundukan kakahuyan , XI Gayon din nga itong hangin at ang tubig na ginawa , Sa lahat ng nabubuhay itoy sadyang itinakda , Ang lahat ng inilagay sa panahon ng paglikha , Itoy dapat na mahalin ipakita sating gawa , XII Ronie Quinto Malabonga ay nagsikap na gumawa , Nitong tulang nagsasaysay sa Kaluob ng lumikha , Ang lahat ng mga bagay na Kaluob niyang takda , Dapat nating protektahan isa puso ANG PAGLIKHA,,, END; Obra by ; Ronie Quinto Malabonga, ng Polillo Quezon,,.

Ronie Malabonga
Ronie Malabonga
Open In TikTok:
Region: PH
Friday 27 December 2024 06:13:13 GMT
311
22
2
14

Music

Download

Comments

jomarcris.sicad
boss jomar :
🥰🥰🥰
2025-06-21 21:59:00
0
To see more videos from user @isanglumponamakata, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About