@psngayon: ‘NEW YEAR, NEW OUTRO’ Kumalap ng iba’t ibang hirit mula sa mga netizens ang isang YouTube video ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan niya ibinahagi ang “Top 10 Highlights for 2024” sa kanilang lungsod. “Salubungin natin ang Bagong Taon nang buong sigla, na punong-puno ng pag-asa. Muli po akong bumabati sa inyo ng isang maligayang 2025. Happy blessed new year, everyone,” pagbati ni Mayor Vico. Kasabay nito, tila napansin naman ng mga netizens ang outro ni Mayor Vico sa nasabing video. “Nakakatawa yung konti konti syang mawawala ,” hirit ng isang netizen. “Manual transition ,” saad naman ng isa. (YouTube/Vico Sotto) #psnd #fyp #newsph #mayorvicosotto #vicosotto #newsphilippines