@rngluzonofficial: IBA ANG NAGSHASHADE? Sinita ang diumanoy pagshashade ng dalawang Poll watcher sa balota ng dalawang senior citizen na bumoboto sa isang presinto sa Brgy. Gaddani, Tayum, Abra. Ayon sa nagvivideo, mayroong di umanoy mga election paraphernalia sa loob ng presinto at hindi ginagamit ang ballot secrecy folder. Sinita naman ng Electoral Board ang babaeng nagvivideo dahil ipinagbabawal ang pagkuha ng video o larawan sa loob ng presinto.