@joyperaltagarcia: Mahina pero hindi talunan Thursday: Pag-ibig na payat pero panalo.. 📖 “Though outwardly we are wasting away, yet inwardly we are being renewed day by day.” – 2 Corinthians 4:16 Tahimik ang bahay ngayon. Wala ang mga apo. Walang maingay. Pero sa gitna ng katahimikan, may isang tahimik na laban na patuloy na pinagtatagumpayan. Siya—ang asawa kong super payat na ngayon. Mahina na ang katawan, mabagal nang kumilos, wala nang ganang kumain. Pero kahit ganon, naghuhugas pa rin siya ng pinggan. Hindi lang para ipakita na kaya niya pa, kundi dahil gusto niyang makatulong. Para ipakita na andito pa rin siya, kasama ko sa laban, kahit hindi na siya kasing sigla ng dati. At ako—itong si MommyLa na minsan pagod na, pero laging ready pa rin. Kasi ang pag-ibig hindi lang sweet kapag malakas pa kayo. Ang totoong pag-ibig, tumitibay sa panahong mahina na kayo pareho—pero nananatili pa rin. Minsan, iniisip ko, “Lord, hanggang kailan?” Pero ang sagot Niya laging pareho: “Hanggang sa araw-araw na may biyaya pa. Hanggang sa may tibok pa ang puso. Hanggang sa ako ang lakas mo.” Ang kahinaan ay hindi kabiguan. Hindi porke’t mahina na ang katawan, talo na ang laban. Kasi sa kahinaan natin, dun lumalakas ang presensya ni Lord. Panalangin: Panginoon, salamat sa asawa kong patuloy na lumalaban. Kahit tahimik, kahit mahina. Salamat sa pag-ibig Mong pareho naming sandalan. Palakasin Mo kami—hindi lang sa katawan kundi sa loob. At bigyan Mo ako ng mata na makakita ng biyaya, kahit nasa gitna ng unti-unting paghina. MommyLa Affirmation: "Kahit mahina na ang lakad niya, hindi mahina ang pag-ibig ko." #ily #WeAreForever #thankful #greatful #blessed #lovedbyGod #havefaith #believe #TrustGod #God #Godisgoodallthetime #thankyou #SalamatPoAma
Quinn Hven Shoppe
Region: PH
Thursday 26 June 2025 08:18:22 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @joyperaltagarcia, please go to the Tikwm
homepage.