@checkyesimjuliet: #pov STORY 2 || PART 15 Lumipas ang araw at gabi na nagigising ako sa kalagitnaan ng tulog nang wala si Jeo sa tabi ko. Ngayon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumangon ako at tahimik na lumabas ng kwarto para hanapin siya. Nasa terrace siya. Tahimik ang paligid, maliban sa boses niyang halos pabulong habang may kausap sa cellphone. Hindi ko man marinig ang buong usapan, sapat na ang pangalan na binanggit niya para manlumo ako. Jeo: “Zoe, remind ko lang ang scheduled check up mo bukas.” Zoe. Parang kinuryente ang buo kong katawan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa dis-oras ng gabi. Unti-unti akong umatras at nagtago sa may pinto. Jeo: “Update mo ako kung anong lagay ha?” Hindi ko na kinaya. Dahan-dahan akong pumasok muli sa kwarto, nanginginig ang kamay at puso. Nahiga ako, kahit hindi ko alam kung paano pa ako makakatulog matapos ang narinig ko. Pilit kong pinipikit ang mga mata ko, pero sa isipan ko'y malinaw ang tunog ng boses ni Jeo habang binibigkas ang pangalan ng babaeng yon. Zoe. Ang dahilan kung bakit ako nagtanim ng tanong. Ang dahilan kung bakit hindi ako makatingin sa salamin nang hindi naiisip kung sapat pa ba ako. Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Jeo sa loob. Tahimik siyang humiga sa tabi ko, at tulad ng dati, yumakap siya. Jeo: “Baby, gising ka pa po?” Tahimik lang ako. Ramdam ko ang bigat ng katahimikang ‘yon. Ramdam ko ring tila hinihintay ni Jeo na sumagot ako. Pero pinili kong manahimik. Hindi dahil ayokong magsalita, kundi dahil kapag nagsalita ako… baka hindi ko na kayanin pigilan ang lahat ng emosyon na kanina ko pa pilit kinikimkim. Humigpit ang yakap niya sa akin, parang may nais patunayan. Jeo: “I love you.” (bulong niya sabay halik sa ulo ko) Nang marinig ko ang paghinga niyang malalim, alam kong nakatulog na siya. Ako? Gising pa rin. Hawak-hawak ko ang bigat ng isang katotohanang hindi ko alam kung kailan ko pa kayang bitawan. — Kinabukasan. Maagang nagising ang lahat. Abala na sa paghahanda ng mga gamit at rigs. Lahat ay excited. Pero ako? Tahimik pa rin. Si Jeo, panay ang lapit at alalay sa akin. Jeo: “Baby, chill ka lang dyan ha, ako na bahala dito.” YN: “Kaya sayo ako eh.” Ngumiti siya. Kumpleto na ang lahat at ready-to-go na. Dalawa lang kami ni Jeo sa H2 at siya ang nagdadrive. Sa biyahe. Hawak niya ang kamay ko habang nasa manibela ang isa Jeo: “Okay ka lang, baby?” YN: “Oo naman. Camping tayo. Dapat masaya lang tayo” Tumingin siya sa akin. Pero mas pinili kong manood sa labas—sa gumagalaw na mga puno, sa papalapit na kabundukan. Doon, mas malinaw ang tanawin. Mas totoo. Pagdating sa campsite. Tahimik at malamig ang lugar. Ang paligid ay puno ng matataas na puno. May ilog din na malapit. Nagsimula ang kasiyahan. Naglaro ng frisbee ang mga bata. Sina Tito nag-aayos ng bonfire. Si Jeo, nasa gilid lang, nanonood habang hawak ang aking beywang. Pero kahit mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, mas mahigpit ang tanong sa loob ko. Tumulong si Jeo sa pagbuhat ng lamesa para makapag prepare na ng kakainin. YN: “Ay, ang lakas mo talaga, baby. Gusto mo tulungan kita?” Jeo: “Ako pa, kayang-kaya ko to.” (sabay pakita ng biceps) Biglang nadulas ng kaunti si Jeo sa damuhan kaya natawa ako. YN: “Oo nga, kayang-kaya mo nga.” Jeo: “Gusto mong ikaw ang pasanin ko habang buhat ko tong lamesa?” YN: “Ayaw ko, baka sabay tayong gumulong pababa sa bangin.” Tawanan. Hindi ko mapigilang matawa. Kahit may bigat sa dibdib, ang tawanan naming dalawa ay parang sandaling nagpapahinga ang puso ko Nang maiayos na ni Jeo ang lamesa ay naging abala na si Joshua at Meng sa paghanda ng ingridients. Si Jeo, tinuturuan ako kung paano ang tamang pag ihaw ng marshmallows. Jeo: “Dapat ganyan, baby. Rotate mo slowly para even ang pagkakaluto.” YN: “Ano to, cooking show?” Biglang nagpanggap na chef si Jeo. Jeo: “Welcome to Campfire Cuisine with Chef Jeo and my lovely sous-chef, my baby, my YN!” Sa mga sandaling yon, kahit maraming tanong, pinili kong makaramdam ng saya. — #allgoodinthehood #fyp #masid #agith #jeoong #ongfam
Julie 💤
Region: PH
Saturday 26 July 2025 03:40:10 GMT
Music
Download
Comments
Zai 🍂 :
ipakilala niyo na kung sino si Zoe pls.
2025-07-26 04:05:31
3
itsmee_princesss★👐 :
yk what to do:)
2025-07-26 04:31:49
1
matcha sea salt 🍵 :
kelan kaya magkakaalaman huhu
2025-07-26 03:45:51
1
Aika :
remind
2025-07-26 04:37:19
1
chinita :
remindddddddddd
2025-07-26 04:19:03
1
R✨ :
ano plano mo yn? mawawasak ba si jeo dyaan?😭
2025-07-26 03:53:45
1
yourGirl_.tiffany :
Pa rmeind
2025-07-26 03:56:50
1
GHIE :
nkakainis umalis kna lng yn ng wla paalam .tpos mlalaman nlng ni jeo na sumunod c yn sa manila 😊
2025-07-26 09:23:14
0
•JEREMIAH• :
ok lang masaktan kami basta happy ending😭😭
2025-07-26 04:15:14
1
aikoo 🫶 | S H O P :
jeo whyyy??🥺🥺 may malalim bang dahilan yannn😭😭
2025-07-26 03:59:19
1
angelica :
sakit basahin author di ko na kaya pagpapanggap ni y/n🥺🥺
2025-07-26 04:51:30
1
Yhan౨ৎ :
naaawa nako kay y/n pero feeling ko may
plano si y/n, excited nakong makita reaction ni jeo,habol malalato ,btw paremind po, thank you 😊
2025-07-26 04:07:55
1
Carms? :
di nako makapag intay na malaman ni Jeo na sumunod si y/n HAHAHA gusto kong makitang nag mamakaawa si Jeo 😭😅
2025-07-26 04:00:25
1
ʚɞ :
remind
2025-07-26 04:34:04
1
ermine :
sakit na talaga
2025-07-26 04:58:03
1
leivemealone :
next po
2025-07-26 05:30:29
1
JOya :
tama kana y/n 😭
2025-07-26 06:04:05
1
rodaaaa :
pa remind po😭
2025-07-26 04:35:14
1
SARMINESSI :
Kailan ang rebelasyon 😭
2025-07-26 03:46:33
1
ganda :
wow
2025-07-26 03:46:41
1
nnññnn :
remindd
2025-07-26 04:02:06
1
@Leadelen15 :
paremind po
2025-07-26 04:21:21
1
Ms. Jing 💞 :
pa remind nalang po
2025-07-26 03:57:51
1
shunamon🫶🦌 :
remind
2025-07-26 04:31:33
1
annyram25 :
Hanggang kailan Sila mag papanggap sakit sa 💔
2025-07-26 04:43:43
1
To see more videos from user @checkyesimjuliet, please go to the Tikwm
homepage.