@henryaguda_pov: Kahapon, matagumpay nating inilunsad ang Project DIME (Digital Information for Monitoring and Evaluation), isang makabagong hakbang tungo sa mas bukas, tapat, at makabagong pamahalaan. Sa tulong ng digital bayanihan ng DICT, DBM, DOTR, at ng ating mga katuwang mula sa pampubliko at pribadong sektor, pinagtibay natin ang ating layunin na mas mapalakas ang transparency at accountability sa bawat proyektong pinopondohan ng gobyerno. Hindi lamang ito isang sistema, kundi isang patunay na kaya nating gamitin ang teknolohiya para tiyakin na ang bawat pondo ay nagagamit nang wasto at ang bawat proyekto ay tunay na nararamdaman ng taumbayan. Sa Project DIME, mas malinaw ang datos, mas mabilis ang monitoring, at mas sigurado ang resulta. Ito ang diwa ng digital bayanihan: sama-samang paggamit ng teknolohiya para sa mas mahusay na pamahalaan, mas mataas na tiwala ng publiko, at mas maunlad na Pilipinas. #DICT #SecA #ProjectDIME #DigitalBayanihan #DBM
Henry Aguda
Region: PH
Thursday 28 August 2025 06:28:10 GMT
Music
Download
Comments
kim_pop20111 :
👍👍👍
2025-08-28 17:07:55
0
To see more videos from user @henryaguda_pov, please go to the Tikwm
homepage.