@abantenews: Para kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, malabo na mapagbigyan ang kahilingan ng mag-asawang Pacipico Curlee Discaya at Cezarah Discaya na mapasailalim sa witness protection program ng pamahalaan. Ayon kay Sotto, hindi puwedeng makakuha ang mag-asawang Discaya ng proteksyon ng gobyerno dahil ang dami nilang nakuhang pera ng bayan na unfair para sa mga kababayan. Iginiit ng pangulo ng senado na kailangan para maging state witness ay ibalik ang ninakaw at magsabi ng totoo. Iba umano ang sinabi ng mga Discaya sa Senado, iba rin ang sinabi sa House. | via Jojo Sicat #DWAR1494 #NewsPH #AbanteNews #senate #titosotto #sarahdiscaya #dpwh #floodcontrol