@jetmorial: “Bulsa” By Justin Taller Open Verse Ang tanong ng Pilipino saan nga aba napunta? Mga buwis na pinagpaguran ay tila ba nawawala Sino ba ang dapat sisihin ako ba nagtiwala O silang nasa tuktok ng tatsulok, Sino nga ba? Araw-araw kung kumayod kumita lamang ng barya Pang-sustento sa pamilya kadasalan kulang pa Tumagos lang sa kinabukasan, pagkain ay inutang pa Habang sila ay nabubuhay gamit pilak na kutsara Hindi ka ba nahihiya? Sa buhay mong tinatamasa Kami ang nag- aambagan jan sa buhay mong magara Nagagawa niyo pang i-flex buhay niyo sa social media Habang kababayan niyo’y, sadlak pa rin at nagdurusa Patama sa kurap na may bumbilya sa ulo Ito’y Demokratikong bansa, tao’y di niyo maloloko Mga sakim sa kayamanan, easy money ang gusto Lahat ng iyan mawawala kaya’t Makinig kayo....