JAREA :
Your feelings are valid.. since NBSB ka, normal lang na pakiramdam mo napag-iiwanan ka. Naiintindihan kita, and sorry if ire-relate ko yung experience ko. When I was 16, nagka-boyfriend ako, and every time na nag hihiwalay, lagi akong nagkakaroon ng panibagong jowa. Umabot ako ng 5 exes, pero lahat ng ‘yon sobrang immature pa yung phase namin. Pinagsisihan ko lalo na yung huli kong ex kasi naging verbal abuser at gaslighter siya, to the point na kinukwestyon na niya pati buhay ko at pagpapalaki sakin ng magulang ko.
Nagkaroon ako ng time na nagmamadali ako sa idea na kailangan may jowa, pero narealize ko na hindi lahat ng bagay kailangang madaliin. Depende rin sa situation, pero sa kaso ko, hindi ko muna talaga kinilala ng maayos yung mga ex ko. Nalaman ko na lang habang tumatagal na hindi pala kami compatible.
Ngayon, mag-31 na ako at 6 years nang single. May times na naiisip ko rin kung may papatol pa ba sakin kasi 30’s na ako, at karamihan ng ka-age ko may anak at asawa na. Pero naniniwala pa rin ako na may tamang timing at tamang landas para sa lahat. Hindi natin kailangan pilitin o hanapin yung mga bagay na hindi naman natin kontrolado.
Kaya wag ka mag-alala. someday, makakahanap ka rin ng tamang tao para sayo.
2025-10-03 06:48:56