@riwellz_: #JEO | PART 2 | #POV : Arrange Marriage with Jeo who is cold and doesn't care for you not until his greatest love came back. Lumipas ang ilang oras ay gumabi na nga, ang ginawa ko lang magdamag ay mag mukmuk sa kwarto pagkatapos maglinis. Kinain ko nalang din ang niluto kong agahan ni Jeo kanina. Sayang naman kung hindi kakainin. Dahil gabi na nga, lumabas ako ng kwarto at ni lock ang gate at pinto at ang mga bintana. Wala namang uuwi ngayon. Isa pa, takot din akong naiiwan mag-isa sa bahay lalo na pag gabi. Pumunta ako ng kusina para magluto ng dinner ko. Dahil wala naman si Jeo, kinuha ko ang instant noodles na nasa cabinet. Kapag kasi meron si Jeo magluluto talaga ako ng masarap na pagkain, kahit ano pa yan, pero dahil wala, mag i-instant noodles nalang ako. Habang inaantay kong maluto ang noodles at tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. At si tita Janice iyon. Agad ko iyong sinagot at ang una kong narinig ay ang malakas na kanta sa kung saan. "Yeve! Bakit hindi ka sumama? Busy ka daw?" Sabi ni Tita Janice. "Hindi naman po, bakit po?" sagot ko. "Ang sabi kasi ni Jeo busy ka daw kaya hindi ka nakasama." Usisa ni tita. Wala naman akong sinabi... ni hindi niya nga ako tinanong. "Ah... Opo tita eh, may inaasikaso kasi ako." Sabi ko nalang. I hate lying pero ayaw kong malaman nila tita na hindi talaga kami okay ni Jeo. Hindi alam nila tita na may galit si Jeo sa akin, ang akala nila ay masaya kami sa isa't-isa. Kapag nagsasama ang pamilya ay magkukunwari lang kami ni Jeo na masaya at okay kami. But deep inside, there's anger building up inside him, and there's longing and sadness building up inside me too. May nakatagong nararamdaman. "Ganon ba? Ikaw lang mag-isa diyan ngayon sa bahay ninyo? Halika nalang dito, ipapasundo kita kay Jeo." sabi ni tita. "Hindi na po! Hindi ko pa po tapos ang inaasikaso ko tita..." sabi ko. "Pwede naman dito mo na gawin 'yan. Wala kang kasama sa bahay ninyo, hindi ka ba natatakot?" Sabi nito. "Pwede naman dito nalang..." hindi ko natapos ang isasabi ko ng nagsalita si tita. "Sus, wag na madaming sabi, ipapasundo kita kay Jeo diyan, nandito din ang mga kaibigan niya kaya masaya dito!" Sabi nito. Mga kaibigan. Bilang lang ang mga kaibigan niya pero hindi naman niya ganoon ka close ang mga kaibigan niya. Mostly mga ka-klase niya noon. Na end na ang call matapos sabihin ni tita na sasabihin niya na si Jeo at pupunta na daw iyon. Napatingin ako sa instant noodles na niluluto ko. Sayang naman kung hindi kakainin. Hinaon ko agad iyon sa maliit mangkok at sinimulan kainin. Matagal pa naman siguro yon si Jeo, mga 30-45 minutes ang byahe galing sa base nila at bahay namin. —Jeo's POV— Habang nagsasaya ako kasama ang mga tropa ko ay agad akong napatingin sa isang babae. Si Arah. "Shoot! si Arah 'yon diba?" sabi ng isa kong kaibigan. "Ano na tol, ayan na ang pinakamamahal mong babae!" Bumalik siya. Matapos ang limang taon. Limang taon ko din siyang patago na hinahanap. Matapos kaming maghiwalay, lumayo siya at nawala nalang bigla, ang balita ko ay pumunta ito sa states. Ang ganda niya parin. Wala siyang pinagbago. Nakangiti ito, kasama niya ang kuya niya na kaibigan ko din, nag-uusap sila ni Daddy. Si Mommy naman ay may kausap sa phone habang nakangiti. Napako ang tingin ko kay Arah. Is she still the same Arah I know? baka hindi na, sa ginawa ko noon siguro hindi niya na ako lalapitan. Pero bakit siya nandito? "Anak, sunduin mo si Yeve sa bahay ninyo, dalahin mo dito." Lumapit si Mommy. "P-po?" sabi ko dahil nawala ako sa isip. Si Arah ang tinitingnan ko pero si Yeve ang sinasabi ni Mommy. "Si Yeve. Mag isa lang sa bahay ninyo, puntahan mo doon at dalhin mo dito, natutuwa yon dito!" Sabi ni Mommy. "My, busy nga siya, marami iyong ginagawa..." I lied, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya at ni hindi ko nga siya tinanong. "nag-usap na kami! puntahan mo na dali!" Sabi ni Mommy. "Jeo." Malamig na sabi ni Mommy. CONTINUATION ON COMSEC! #Jeo #fyp #foryoupage

riwzz
riwzz
Open In TikTok:
Region: PH
Wednesday 08 October 2025 08:57:55 GMT
11123
1007
51
37

Music

Download

Comments

riwellz_
riwzz :
CONTINUATION!
2025-10-08 08:59:53
16
nicsam03
Sam :
update po sa next
2025-10-08 08:59:18
2
rhiannarom
theyluv.yanna𐙚 :
next
2025-10-08 10:50:18
0
ashtine_olviga.fan
ashtine_olviga_AMNSE :
remind po
2025-10-08 13:57:10
0
mahhboi6
☆fineshyt☆ :
next pow
2025-10-08 15:27:46
0
itz_reign0987
Reign Acebuche :
pa remind po ate
2025-10-08 09:02:42
0
lskalals
♡ :
remind
2025-10-08 14:30:31
0
yunajuliah
Yuna :
pa remind po
2025-10-08 12:02:51
0
zelmobe
zelllmobe💋 :
paremind
2025-10-08 13:59:10
0
_lia456_
_lia456_ :
Paremindd pooo
2025-10-08 11:55:32
0
je_re_miah122107
J? :
Reminddd^^
2025-10-08 11:58:58
0
yungsook.sim
Yungsook Sim :
paremind pooo
2025-10-08 16:14:42
1
ambermacatangay36
.... 🤎 :
next
2025-10-08 14:41:34
0
cassie_.ong
cassei_^^ :
paremins
2025-10-08 15:36:46
1
lahahaha
️ :
remind po
2025-10-08 11:01:51
0
waidzpangulima24
️ :
Ang sakit namn umpisa palang🥺
2025-10-08 11:24:02
2
aimee.manuel
Aimee Manuel :
remind
2025-10-08 12:37:33
0
jairah204
jairah :
pa remind Po
2025-10-08 13:31:57
0
aloy28397
aloy :
next
2025-10-08 09:58:14
0
14_angel2
🎀Gel🎀 :
remind
2025-10-08 13:02:18
0
_.itsashley
ashley :
reminddd
2025-10-08 12:33:21
0
rhea_yanzon
Ma Rhea M. Yanzon :
remind
2025-10-08 12:48:19
0
mar.mar_24
DunKaSaFarAway :
remind💜
2025-10-08 13:16:26
0
cyralabay
A :
next
2025-10-08 14:55:58
0
iamm.tine
tine. :
🥰
2025-10-12 02:10:28
0
To see more videos from user @riwellz_, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About