lexxyyy :
I REALLY NEED ADVICE PO
:not related to the video
pero guys, ano gagawin ko kung ayaw sa’kin ng parents nung guy? (3 years na kami.) Legal naman kami both sides, pero ayaw sa’kin ng parents nung guy — lawyer and doctor pa sila pareho. Sa’min naman, normal work lang (di naman kami mahirap, may kaya rin kami), pero ayaw talaga ng parents niya sa’kin. Tapos, he kept on denying it.
Ano gagawin ko? Ayaw ko na sa ganitong situation, pero mahal ko siya.
Sobrang okay namin sa family, like literally parang siya na yung anak. Kaya unfair lang talaga sa ganitong setup kasi sa family ko, super goods kami — wala siyang kailangang i-worry. Tapos ako? Buong 3 years ko nang iniisip na ayaw sa’kin ng parents niya.
Super bait nung guy, as in sobrang green flag, tapos super okay ng relationship namin. Yung parents niya lang talaga ang problema. In-open ko na ‘to sa kanya nang ilang beses sa loob ng 3 years namin, pero wala, ganon pa rin. Nandun pa rin sa isip ko na ayaw sa’kin ng parents niya.
Tapos kada magkasama kami, naiisip ko kung ako ba talaga yung pinaalam niya, o nagsinungaling na naman siya sa parents niya. (Guys, di niya ako sinasali sa paalam niya pag magkasama kami.) Di ko alam, sobrang sakit lang talaga ngayon. Ayaw ko na talaga pero mahal ko e
2025-10-28 04:50:41