Meme11 :
all of the sudden, sa dami ng nagtetweet tungkol sa mental health at suicid* ngayon, bigla ko nalang naalala yung mga katagang “Kung nahihirapan kana sa sitwasyon mo, paano pa yung mga wala ng paa, walang paningin, bingi, walang kamay, may malulubhang sakit, yung mga walang-wala, yung mga paulit-ulit na nabubuhay sa takot dahil yung tirahan nila ay pugad ng mga masasamang tao. yung mga paulit-ulit na inaabuso. yung mga taong kahit asin ay wala sila?”
tapos naisip ko nalang din, lahat pala tayo lumalaban, pero ang pinakalumalaban satin ay yung mga katulad nila. kung sila nga, na sa kabila ng kawalan ng pag-asang makakita, makarinig, makapagsalita, makahawak o makalakad ulit ay patuloy na namumuhay anong rason natin para sumuko? Anong rason natin para sukuan yung buhay?
2025-10-29 12:47:37