alie                                        : 
                                    (1) sikat na sikat si jeo, sa sigawan pa lang halatang kilalang kilala siya, sinong hindi?
 
 never kong inexpect to, akala ko busy siya ngayon at may travel sila pero talagang dito pa kami magkikita... bilang kalaban.
 
 nagtagpo saglit ang mga mata namin. yung tipong tingin na parang nagsasabi ng ”i'm sorry”.
 
 at ayun nga pagka-time out, habang naglalakad siya pabalik sa bench, pasimple siyang lumapit sa side namin.
 
 ”sorry, love” mahina niyang sabi, halos pabulong, ”kailangan ako ng univ namin eh.”
 
 pinandilatan ko siya ng mata baka kasi makita kami nag-uusap.
 
 tumawa siya, mahina, halos bulong at dumiretso na sa bleachers nila.
 
 loko talaga to si jeremiah, akala siguro legal kami sa mata ng mga tao?
 
 hindi ko na siya tinignan pagkatapos, tinignan ko ang paligid.
 
 nakita ko si tita, sumisigaw na i-abot ang tubig kay jeo. kasama niya sina tito, joshua at meng.
 
 nakita ako ni tita kaya ngumiti ako. kumaway si siko at tinuro puwesto ni jeo.
 
 tinignan ko naman ito, nakatingin siya sa akin at biglang kumindat.
 
 ayun, sigawan lahat—lalo na mga kaibigan ko.
 
 ”ako ata kinindatan, beh???!”
 ”grabe ang gwapo nong ong na yon!”
 ”oo nga, akala ko sa vlog lang.”
 
 napangiti na lang ako, kung alam niyo lang na akin yan. pero hindi ko sasabihin haha
 
 natahimik ako at kunyari bored, ayaw pahalata kasi pass sa halata. ang totoo pala niyan bawat dribble niya, bawat shot, ako yung kinakabahan.
 
 at nang marinig ko ulit ang announcer,
 
 ”three points by number zero—jeo! ong!”
 
 ”that's my boy,” bulong ko sa sarili ko, kahit walang may nakakaalam.
                                
                                2025-11-03 13:06:21