@alieiah.ong: part 2| #pov — nag-apply ka bilang editor at photographer ng ong fam, hindi mo inaasahang mapapalapit ka sa panganay nila. basang-basa sina jeo, joshua, at domeng nang bumalik sila mula sa tubig, tumatawa pa habang umaakyat sa buhanginan. ako naman ay abala pa rin sa pag-check ng mga kuha ko nang bigla kong makita si jeo na tumigil sa harap ko. wala siyang pasabi—kinuha niya ang camera bag ko at isinukbit sa balikat niya. “uy! huwag mo ngang—basa ka pa!” mabilis kong sabi, napataas ang boses ko dahil nakita kong tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa shirt. tumingin siya sa akin, hindi pa rin binibitiwan ang camera. “ako na magdadala. baka madulas ka pa ‘pag ikaw ang may hawak.” “basa ngani ang kamay mo?” iritadong sagot ko, inaabot ko sana pero hindi niya ibinalik. imbes, mas lalo niyang iniangat ang camera palayo. “don’t worry. hindi ako kuryente,” biro niya, pero may seryoso ang mukha. “hindi nga! mababasâ ‘yan—” reklamo ko ulit, pero tumalikod na siya para maglakad paakyat. nilingon niya ako saglit, “trust me, y/n. mahal to kapag nalaglag mo.” at dahil naiwan akong nakatunganga na parang ako pa ang mali, wala akong nagawa kundi sundan siya paakyat habang abot-abot pa rin ang reklamo ko sa loob ng utak ko. pagkaakyat namin, dire-diretso ako sa kwarto. hindi ko na nilingon si jeo at halos maramdaman ko pa ang tingin niya sa likod ko. pagkapasok ko, agad kong binuksan ang laptop at sinimulang ayusin ang mga na-transfer na shots. kahit pagod, gusto ko nang matapos para hindi ko na siya kailangan pang kausapin—lalo na’t medyo triggered pa rin ako sa “not bad” niyang comment kanina. hindi pa ako nakaka-two minutes nang kumatok si Joshua. “y/nnn? kakabihis ko lang. may papatulong sana ako—yung bagong vlog namin. pwede ba saglit?” napabuntong-hinga ako, pero bumangon din. “ano po yun?” tanong ko habang ini-adjust ang laptop para makita niya. pagbukas ko ng pinto, nandoon si joshua. ”ito camera mo, pinabigay ni jeremiah.” tumango at umupo na rin para makapagsimula na. ilang sandali lang pumasok si tito geo, ngiting-ngiti at pumapalakpak. pag-angat ng tingin ko, nakita ko si jeo sa likod nila—buhok tuyong-tuyo na, bagong shirt, peri gusot. na para bang… nagmadali siyang umakyat. tumigil sila sa pintuan. si tito geo, agad nagsalita. “ang sipag naman dito!” sabi niya, proud na proud pa. kasunod naman pumasok si ma’am janice, lumagpas kay jeo habang ngumingiti. “o, nagtatrabaho pa rin yung bata,” sabi niya habang nakatitig sa screen ko. “ganyan ang masarap kasama—madiskarte.” napatingin ako kay jeo. siya naman, nakaayos ang kamay sa bulsa, nakasandal sa pinto, at hindi na naman ako tinatantanan ng tingin, tahimik siya. parang siya pa ang pinagpapawisan sa loob ng malamig na kuwarto. “masipag nga, ‘no?” singit ni tito, tapos tinapik si jeo sa balikat. “magaling pumili ng editor yung daddy mo, jay.” nag-angat ako ng kilay. pag-alis nina tito at tita, nagsimula na kaming mag-edit ni joshua. inexplain niya yung sequence para sa bagong vlog habang ina-adjust ko naman yung timeline. tahimik pero productive, hanggang sa napansin namin na medyo lumalalim na ang hapon. “magpe-prepare na raw para sa dinner,” tawag ni ate bing mula sa kusina. nag-save muna ako ng file bago bumaba. pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si domeng na naghuhugas ng ilang trays at nag-aayos ng ingredients. “ay, y/n! patulong po ako, ha? ikaw bahala sa marinade, ako sa paglagay sa tupperware,” sabi niya habang nakangiti. tumango ako at nag-roll up ng sleeves. kumuha ako ng gloves, tapos nagsimula kami. tahimik sa loob ng kusina pero komportable—parang nakapasok ako sa routine ng bahay na ito. “ang galing naman ah,” biro ni domeng habang pinapasa sa’kin ang meat. napatawa ako. “practice lang sa bahay, meng.” habang inaayos ko yung tupperware, dumating si joshua, nakasandal sa pintuan na parang nanonood lang. “grabe ka naman, y/n,” sabi niya, nakangisi. [see comsec] #jeoong #jeremiahong #ongfam #fyp
alie
Region: PH
Monday 24 November 2025 13:07:47 GMT
Music
Download
Comments
m :
i want him so baddd
2025-11-25 00:05:36
17
tooni💃🏻 :
pa remind poo><
2025-11-24 22:11:05
4
yennie :
kakeleg, pa remind pooo
2025-11-24 13:28:34
2
yyza⁷🪷 :
reminddd
2025-11-25 09:38:25
2
preyah :
remind pleasee
2025-11-25 04:06:37
1
𝓩𝓱𝓪𝓲 :
I'm silent reader so wheres the part 3!!
2025-11-25 12:16:34
2
fyang:) :
remind me po🥺💞💗
2025-11-24 21:22:25
2
Shanti :
remind plex🥀
2025-11-24 14:52:14
2
ชีวิตเหี้ยๆ :
REMINDDDD
2025-11-25 13:40:52
2
Danica Domequil :
pa remind ate
2025-11-25 07:56:40
2
️ :
pa remindd
2025-11-24 23:11:40
4
ashley :
pa remind po
2025-11-25 13:20:51
2
x :
huyyy p remind
2025-11-25 00:36:06
2
pau :
reminddd
2025-11-25 12:09:02
2
abcdefghijklmnopqrstuvwxyz :
remind!
2025-11-24 13:17:14
2
Czayy :
remind me po in next ud🫶
2025-11-25 00:51:19
2
ley 🌊 :
AYUN, REMIND ☝🏻
2025-11-24 14:08:59
2
aeiaaa :
paremindd maaa, ang gandaaa
2025-11-24 22:55:22
2
prettiebunnie03 :
pa remind
2025-11-25 09:02:49
2
gudshyt’vien :
Remindddd puuuu🥰
2025-11-24 15:58:37
2
๑PIA˖ :
pa remind author 🙏
2025-11-25 08:42:31
2
Itsme.Cassey_0106 :
pa remind po💛
2025-11-25 00:10:50
2
₊⊹𝓴 ⋆˙ :
AHAYZZ
2025-11-24 13:22:15
1
ysabel :
remindddd
2025-11-24 14:53:19
2
Laureez🌺 :
remind
2025-11-25 01:35:09
2
To see more videos from user @alieiah.ong, please go to the Tikwm
homepage.