@alieiah.ong: [one shot] #pov — boyfriend mong ang laki ng katawan pero takot sa rides. ”ayoko nga, dy!” nakabusangot ang mukha ni jeo habang dala dala ang malaking big head stuff toy. “ayan na naman ’yang mukha mo,” bulong ko habang hinihila ko ang manggas niya. “sige na, roller coaster lang naman.” “roller coaster lang?” halos pabulong. “love, ’pag umikot ’yan at gumalaw, katapusan talaga ng genes ko—” “eh talaga namang iikot.” sabat ni siko, sabay tawa. loko talaga. nakaabang si meng, siko, at si tito geo na may nakataas pang kamera—nakangiti nang parang may plano silang masama. ”y/n. ikaw nga kumausap diyan kay jeo. tigil na niya kabadingan niya.” sabi sa akin ni siko. natatawa naming sinusundan si jeo na panay ang iling tuwing tinatawag. ayaw niya talaga. ”jeo...” tawag ko sa kanya. agad siya lumingon at nagsalita. ”ayaw ko, love. ayoko.” mariin niya akong tinignan. nagkibit balikat ako. akmang tatalikod kunyari para ipakitang magtatampo ako kapag hindi siya sumama. ”ano ba yan, love. ito na, sasama na.” hinigit niya ako pabalik sa pwesto kung saan sila tito. palihim naman akong ngumiti, sa tampo ko lang pala siya papayag. ”ano jay? okay na?” tanong ni tita. hinarap ko siya. ”bilisan niyo na jeo. gusto na sumakay ni meng.” ”sige na, sasama ako. basta sasama si daddy.” sabi niya nakangiti. ang dami talagang request. ”ay ayoko, jay. ako mag video lang ako rito.” sabi ni tito at nagtago sa likod ni tita ja. walang nagawa si jeo. itinabi niya ang stuff toy sa gilid at inayos ang t-shirt. ”masyadong kabado. hindi naman yan nakamamatay.” ”kung hindi lang talaga dahil sayo at kay domeng, hindi ako sasakay dito.” ngumuso siya. tinignan ang entrance at nagpakawala ng malakas na hinga. sus. akala mo talaga sasabak sa world largest roller coaster. ”kiss ko? pampa-good luck lang.” umiling na lang ako at natawa. kiss gusto, sakay ayaw? ”ang daming sinasabi, tara na.” hinatak siya ni siko at binuhat naman ni meng. mula sa baba kitang kita sila sa taas. nagtutulakan at nagtuturuan pa kung sino sa harap. nang mag-umpisa na gumalaw ang roller coaster ay hindi na rin namin mapigilan ang tawanan. halos hindi maipinta ang mukha ni jeo. parang hihimatayin dahil sa sobrang bilis ng ikot. at hindi nga ako nagkakamali. paglabas na paglabas nila sa exit ay buhat nilang tatlo si jeo. si meng sa katawan, si siko sa ulo at si kuya emman sa paa. ibinaba nila ito sa upuan at binigyan ng tubig. ano ba yan? ang laki ng katawan tapos ilang ikot tumba na agad. lumapit ako, ”ano ba yun, jeremiah?” natatawa akong umupo sa tabi niya. he suddenly leaned in, wrapped his arms around me, and rested his chin on my shoulder. ”isa pa, jay. samahan mo naman si dong dong.” asar ni tito geo. nang marinig ni jeo ay mas lalong humigpit ang yakap niya. ”hindi na ako uulit.” he murmured. hinaplos ko ang ulo niyang nakasandal sa akin. kawawa naman tong baby ko. ”wala na yan, hiwalayan mo na yan, y/n. takot!” tukso ni siko. hindi na ulit nagsalita si jeo. totoo talagang hilong hilo siya dahil sobrang putla. ”ang putla mo, jeo.” sabi ko inangat ang mukha niya. ”sabi ko sayo, kiss na.” sabi niya, natatawa. kinurot ko siya sa tagiliran, ”mahiya ka nga?!” ”sows kalooy.” bulong niya at humawak sa dibdib niya. umakting na parang nasaktan. mas lalo lang ako natawa. ang kulit. ”sige na, y/n, tatalikod na kami. kiss mo na yan baka biglang gumawa pa yan ng eksena dito.” sabi ni tita na nagpatawa sa lahat. napaubo naman ako at tinignan si jeo. agad niyang binaon ang mukha sa leeg ko. malaki ang ngiti, ”mamaya na lang kung nahihiya ka.” napasapo na lang ako sa noo ko. shameless jeo. — #jeoong #jeremiahong #ongfam #fyp
alie
Region: PH
Sunday 30 November 2025 02:00:40 GMT
Music
Download
Comments
tina :
pampalubang loob siguro to sa narinig namin sa elevator HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA
2025-11-30 02:13:22
891
shai :
u feed my delusions 😖
2025-11-30 06:09:01
157
ja :
I see that Jeo because my cousin and Jeo's cousin are a couple and yesterday they were here with us and did a vlog
2025-12-01 05:44:33
1
jennashley_ :
sure na talaga mhie one shot lang tu?di muna talaga dadagdagan???
2025-11-30 07:44:16
2
₊⊹𝓴 ⋆˙ :
ay alam mo yung dynamic namin ni jeo ah
2025-11-30 04:50:36
18
S :
ay one shot lang HAHAHAHAHAHAHAHHA
2025-11-30 03:36:30
1
ley 🌊 :
ALIEE ANG KILIG KOO 😞
2025-11-30 02:34:23
8
️SNMC :
ang ngiti ay abot tenga ayy
2025-11-30 02:50:55
1
Missyceejay :
yannn ang gusto ko e (ginagawa akong delulu)
2025-11-30 06:03:20
10
reinereinegoaway._ :
GANDA TALAGA NG MGA STORIES MO MAS NAGIGING DELULU AKO AHHAAHAHAHAHAH
2025-11-30 02:50:45
67
jhanine ౨ৎ :
anong vlog to? hehehe
2025-12-02 10:46:08
0
L :
CUTE
2025-11-30 06:14:09
1
amri☆ :
gantong ganto fake scenarios ko kagabi bago matulog 😊☝🏼
2025-11-30 07:57:07
4
merryjane💋 :
atekioo mag post kana pleaseeeeee😭
2025-12-02 11:36:14
0
Drose :
san po mpapanuod?
2025-12-02 03:47:52
0
coc.oej•♪°^ :
firstt!
2025-11-30 02:04:00
2
x :
fave author na talaga kita bes!
2025-12-01 14:29:43
0
yannie_ :
pang bawi na para bang walang narinig sa elevator ma!!
2025-12-01 12:48:29
0
Nicole Cartagena :
2025-12-01 18:53:18
0
ೀ 𝓀 𝓁 ℯ ℯ :
Alie bitin😩
2025-11-30 02:20:14
1
itsn.t_.chums` :
ANO PO TITLE??
2025-12-01 10:18:43
1
Allieee :
Alie bitin, bigyan ng part 2 yan BWHSHAHA
2025-11-30 06:00:09
1
RhiannMadiii :
Yung kiss😳
2025-12-01 04:27:40
0
str4berry :
grabe wala bang part 2 ito😭🥰
2025-11-30 03:11:38
1
CJ😎 :
Me while watching 😭 May Nia nasiya😭
2025-11-30 13:04:50
0
To see more videos from user @alieiah.ong, please go to the Tikwm
homepage.