@rieriee.ong: #pov — PART 4: When Ms. Volleyball Setter (Y/N) meets Mr. Basketball Captain (Jeo). Ang daming nag shiship sa inyo pero hindi niyo naman close ang isa't isa not until biglang sinabi Mr. Basketball Captain (Jeo) na kayo na. Ilang minuto lang na biyahe ay nakarating na rin ako sa bahay. Nadatnan ko naman si mama na nag aayos na ng mesa. "Hi, ma." greet ko sa kanya pagpasok ko. "Oh, Y/N. Dyan ka na pala, magbihis ka na at kakain na tayo ng hapunan." si mama. "Parating na rin ang papa mo." dagdag niya. "Sige po, ma." ako naman. Dumiretso na agad ako sa room ko at nagbihis na, after that ay bumaba na rin ako para kumain. "Hi, pa." greet ko kay papa nung makita ko siya na nakaupo na sa mesa. "Nak, halika na kakain na tayo. Musta pala ang araw mo?" si papa. "Ayos lang po, may laro po pala ulit kami next week." ako. "Ganun ba, ingat ka lagi ah kapag naglalaro, iwasan ma sprain." si mama naman "Opo, ma." Nagsimula na rin kami kumain. Konting kwentuhan lang habang nakain. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako kina mama at papa na pupunta na akong kwarto. "Ma, pa, sa kwarto lang po ako." "Sige, nak. Good night." sila "Good night po" Pagkapasok ko ng room ko ay dumiretso na ako sa kama at binuksan ang cellphone ko. Titignan ko kung nag post na ba 'yung lalaki na 'yun. Nagscroll na ako sa newsfeed ko pero wala pa ring post niya na nakikita ko. Chineck ko na nga rin ang account niya pero wala rin kaya minessage ko na kahit hindi kami friend. Y/N: Hoy! Y/N: 'Kala mo ba magpopost ka na ngayon. Ba't wala akong makita ha Jeo: Hi? Jeo: Nagbago na isip ko Y/N: WHAT? Y/N: Ang akala ko ba clear na tayo dun sa pinag uspan natin, ba't nagbago pa isip mo ha? Jeo: Kase naiisip ko na magkaroon tayo ng deal Y/N: Ano na naman ba 'yan, baka kalokohan na naman 'yan ah Y/N: Lalapat talaga 'tong palad ko sa mukha mo, tignan mo Jeo: Be my fake gf for 1 month Y/N: ANO? 'wag mo nga ako niloloko, mag popost ka na lang gusto mo pa akong maging fake gf Jeo: Totoo 'to Y/N: 'Wag na, ako na lang mag popost Jeo: Hindi pwede Y/N: At bakit naman Jeo: Sasabihin ko na LQ lang tayo at we have a small fight Y/N: Luh, basta, ayoko. Ano tingin mo sa'kin uto uto Nakakainis talaga 'yung lalaki na 'yun. Ako na lang ang magpopost kung ayaw niya. Nagpunta na ako ng account ko at nag type na. "Sorry po for the misunderstanding, hindi po talaga totoo na gf ako ni Jeo. Thank youu po!!" 'Yan, okay na 'yan. Post. Pagkatapos ay pinatay ko na 'yung cellphone ko at umayos na ng higa sa kama. Hays, linggo na bukas, walang pasok pero may training sa volleyball. Kahit naman sanay na kami sa laro ay need pa rin namin mag training for exercise na rin. Inaantok na ako kaya natulog na ako. Kinabukasan ay lumabas na ako ng room ko para mag almusal. Habang kumakain ay nagbukas ako ng cellphone at nagulat na naman ako dahil puro mention na naman ang nasa notif ko. Ano na naman ba 'to? "Sorry guys, LQ lang kami ngayon kaya siya nag post ng ganyan." - Jeo "Sorry na, Y/N. Please let's talk about this. It's just a small fight." - Jeo WTH? Nababaliw na talaga 'tong lalaki na 'to. Ano ba talaga ang gusto nito? Ang dami rin nag comments na patawarin ko na raw siya. "Kaya pala nakita ko sila kahapon na nag aaway sa may cr" "Patawarin mo na, Y/N" Shet? May nakakita pala sa amin nun? Wala naman ako napansin na may tao nun eh. Nag message na rin ako sa kanya, ayaw niya talaga ako tantanan eh. Y/N: HOY!! Y/N: Baliw ka na ba talaga? Jeo: I told you, gagawin ko talaga 'yun Jeo: Pumayag ka na kase sa deal ko Jeo: Promise, ako mismo ang magpopost after ng 1 month Y/N: Bakit ba kase gusto mo akong maging fake gf? Y/N: Ang daming iba dyan oh, 'yung may gusto pa sa'yo Jeo: Dahil nga sa kanila kaya kita gusto maging fake gf Jeo: Gusto ko na tigilan nila ako kahit 1 month lang Y/N: Ayoko niyan, gagawin mo pa akong shield sa mga fans mo Pagkatapos ng convo namin na 'yun ay pinatay ko na ang cellphone ko at naggayak na para sa training namin. Ginawa ba naman akong shield sa mga fans niya, kainis talaga 'yung lalaki na 'yun. #jeo #jeoong #fyp #fyppppppppppppppppppppppp
pottiee˚꩜⋆
Region: PH
Friday 07 November 2025 00:42:46 GMT
Music
Download
Comments
Jodilyn🇪🇦 :
pa remind uli ate💞💞
2025-11-07 10:13:45
1
𝓒𝓳𝓷𝓭𝔂༯𐙚˚ ၴႅၴ :
ganto na siguro ginagawa nya s asarili nya sa sobrang kulit ni J
2025-11-07 14:06:51
1
Mariannaaaa :
keep it up Author Gl sa midterms!!
2025-11-08 02:09:54
2
amber :
rem
2025-11-07 04:01:13
1
monique :
remind ulit author
2025-11-07 22:06:40
1
Jada :
take ur time teh!✨ pa remind nalang po
2025-11-07 09:59:22
1
bubblesyie6 :
pa remind po
2025-11-07 02:35:38
1
kina... :
reminddd
2025-11-07 03:37:10
2
️ :
Pa remind poooo
2025-11-07 17:48:55
1
: :
pa remind and good luck
2025-11-09 07:39:57
1
Ceaa. :
reminddd pooo
2025-11-07 13:39:42
1
Zab :
remind
2025-11-07 13:19:41
1
aye :
pa remind
2025-11-07 12:44:48
1
jennashley_ :
pa remind po authornimm!!!!
2025-11-07 05:47:18
1
Tanya♡ :
AUTHOR BITINNNNN, PAREMIND
2025-11-07 09:04:20
1
cheche :
remind puuu
2025-11-07 09:20:41
1
brieyell :
pa remind po
2025-11-07 08:42:41
1
eammmm :
remind po sa next
2025-11-07 01:28:52
1
️AngelaFaith :
remindddddddd😜
2025-11-07 03:10:56
1
nia_ :
Remindddd😫
2025-11-07 03:29:57
1
JAY_💕👾💐🩵♥️ :
paremind po
2025-11-07 12:36:10
1
. :
reminddd
2025-11-07 11:08:15
1
Rosegrace Bernaldez :
paremind
2025-11-07 02:55:31
1
it's me jc :
next po pls
2025-11-07 09:40:28
1
5 - St. Jude ⋆˚ :
Ehem ehem
2025-11-07 04:49:29
0
To see more videos from user @rieriee.ong, please go to the Tikwm
homepage.